
Prop B limits members of the Board of Supervisors and Mayor to no more than two four-year terms in their lifetimes.
La Propuesta B limita que miembres de la Junta de Supervisores y Alcalde, y que no tengan más de dos términos de cuatro años cada uno, a lo largo de su vida política.
B 提案限制市參事會參事及市長的終身任期不得超過兩任,每任四年。
Nililimitahan ng Prop B ang panunungkulan ng mga superbisors at Alkalde na hindi hihigit sa Dalawang apat na taong termino ng panunungkulan.
Ginawa ng Chamber of Commerce, ang Prop C ay magbibigay-daan sa mas maraming negosyante na magkaroon ng karapatang malibre at huwag magbayad ng kanilang buwis, na lalong magpapataas ng yaman ng nangungunang 1% ng mga korporasyon at bilyonaryo, habang pinalala ang krisis sa badyet na kinakaharap na ng lungsod. Sa libo-libong manggagawang nakakaranas na ng mga pagbabawas sa mga serbisyo at programa, dapat gawin ng mga botante ang lahat ng kanilang makakaya upang patawan ng buwis ang mga sakim na bilyonaryo at mga korporasyon. Bumoto ng HINDI sa Prop C.
OO sa Prop D ay binubuwisan ang pinakamalaking korporasyon, kung saan ang mga CEO ay binabayaran ng 100 beses na mas mataas kaysa sa suweldo ng mga median na empleyado. Para makalikom ng hindi bababa sa $200M para sa mahahalagang serbisyo ng lungsod. Nakakaapekto lamang ito sa mga korporasyong mayroong mahigit 1,000 na empleyado. At mayroong higit sa $1 bilyonaryo kita. Pinutol ng Federal ang mga benipisyo ng Medicaid at SNAP, at direktang naapektuhan ang mga Ospital ng SF, at tuwirang naapektuhan ang mahigit 20,000 na mamamayan ng San Francisco. Pinopondohan ng Prop D ang mga nanganganib na serbisyo, mga manggagawa ng healthcare, first responders, mga pampublikong ospital, pabahay, at iba pang mahahalagang serbisyo na nagpapanatili sa ating mga komunidad at kapitbahayan na maging ligtas at malusog. Ang buwis na ito ay dating may bisa mula 2022 hanggang 2024, at ibinaba noong 2024 sa pamamagitan ng Prop M. Ibinabalik ng Prop D ang dating buwis.
Sa bawat araw, karamihan sa mga CEO ay kumikita ng higit sa kinikita ng kanilang mga empleyado sa isang buong taon, Hinihingi ng Prop D sa mayayamang korporasyon sa SF mag-ambag pa ng kaunti upang maprotektahan ang healthcare at mga serbisyo na hindi binubuwisan ang mga pangkaraniwang manggagawa.