
Gabay sa Botante ng San Francisco Rising Action Fund
Ang San Francisco Rising Action Fund ay isang grassroots political fund na nakikipaglaban para sa mga interes ng mga imigrante at uring manggagawang komunidad ng iba’t-ibang lahi, laban sa mga bilyonaryo, kasakiman ng korporasyon, at kapangyarihan. Nagsama-sama ang iba’t-ibang lahi ng komunidad gaya ng Black, Latinx, Chinese, at Filipino mula sa buong lungsod para bumuo ng isang community based political infrastructure na may kakayahang magpasa ng mga hakbang at maghalal ng mga lider na magbibigay ng mga mahahalagang solusyon na kailangan natin at mananatiling mananagot sa atin, hindi si Trump at ang layunin ng MAGA o ang 1% na nakakalusot at nakakaimpluwensya sa pulitika. Mayroon kaming pangmatagalang pananaw para sa mga komunidad ng pangkaraniwang manggagawa na umunlad sa San Francisco ng sama-sama sa mahabang panahon.
MGA PANUKALA SA BALOTA:
Panukala A: OO
Pondo sa Kaligtasasn sa LIndol at Pagtugon sa Emergency
- Ang OO sa Prop A ay nagpapahintulot sa lungsod na kumuha ng $535 milyon sa bonds upang pondohan ang mga kritikal na imprastraktura sa pagpapabut para sa kaligtasan sa lindol at pagtugon sa emergency. Ang OO sa prop A ay magpapanatiling ligtas sa mga taga San Francisco sa isang lindol, sa Ora’s ng emergency o sunog, pagpapabuti at muling pagtatayo para palitan ang mga lumang imprastrakturas, mga lumangtubo, lagusan, at iba pang mga pasilidad upang matiyak ang mga bumbero ay may magagamit na sapat na tubig upang mapuksa ang sunog mula sa isang malaking sakuna o emergency.
PANUKALA B: WALANG PINAPANIGAN
Mga limitasyon habangbuhay
- Nililimitahan ng Prop B ang panunungkulan ng mga superbisors at Alkalde na hindi hihigit sa Dalawang apat na taong termino ng panunungkulan.
PANUKALA C: HINDI
Bawas Tax sa Mga Negosyo
- Ginawa ng Chamber of Commerce, ang Prop C ay magbibigay-daan sa mas maraming negosyante na magkaroon ng karapatang malibre at huwag magbayad ng kanilang buwis, na lalong magpapataas ng yaman ng nangungunang 1% ng mga korporasyon at bilyonaryo, habang pinalala ang krisis sa badyet na kinakaharap na ng lungsod. Sa libo-libong manggagawang nakakaranas na ng mga pagbabawas sa mga serbisyo at programa, dapat gawin ng mga botante ang lahat ng kanilang makakaya upang patawan ng buwis ang mga sakim na bilyonaryo at mga korporasyon. Bumoto ng HINDI sa Prop C.
PANUKALA D: OO
Buwis Para sa mga CEO na Sumusuweldo ng Sobra sa Dapat Tanggapin
- OO sa Prop D ay binubuwisan ang pinakamalaking korporasyon, kung saan ang mga CEO ay binabayaran ng 100 beses na mas mataas kaysa sa suweldo ng mga median na empleyado. Para makalikom ng hindi bababa sa $200M para sa mahahalagang serbisyo ng lungsod. Nakakaapekto lamang ito sa mga korporasyong mayroong mahigit 1,000 na empleyado. At mayroong higit sa $1 bilyonaryo kita. Pinutol ng Federal ang mga benipisyo ng Medicaid at SNAP, at direktang naapektuhan ang mga Ospital ng SF, at tuwirang naapektuhan ang mahigit 20,000 na mamamayan ng San Francisco. Pinopondohan ng Prop D ang mga nanganganib na serbisyo, mga manggagawa ng healthcare, first responders, mga pampublikong ospital, pabahay, at iba pang mahahalagang serbisyo na nagpapanatili sa ating mga komunidad at kapitbahayan na maging ligtas at malusog. Ang buwis na ito ay dating may bisa mula 2022 hanggang 2024, at ibinaba noong 2024 sa pamamagitan ng Prop M. Ibinabalik ng Prop D ang dating buwis.
Sa bawat araw, karamihan sa mga CEO ay kumikita ng higit sa kinikita ng kanilang mga empleyado sa isang buong taon, Hinihingi ng Prop D sa mayayamang korporasyon sa SF mag-ambag pa ng kaunti upang maprotektahan ang healthcare at mga serbisyo na hindi binubuwisan ang mga pangkaraniwang manggagawa.
Lokal na SF/San Francisco
Natalie Gee Superbisor Para sa Ika-4 na Distrito
- Ang San Francisco Rising Action Fund ay isang grassroots political fund na nakikipaglaban para sa mga interes ng mga imigrante at uring manggagawang komunidad ng iba’t-ibang lahi, laban sa mga bilyonaryo, kasakiman ng korporasyon, at kapangyarihan. Nagsama-sama ang iba’t-ibang lahi ng komunidad gaya ng Black, Latinx, Chinese, at Filipino mula sa buong lungsod para bumuo ng isang community based political infrastructure na may kakayahang magpasa ng mga hakbang at maghalal ng mga lider na magbibigay ng mga mahahalagang solusyon na kailangan natin at mananatiling mananagot sa atin, hindi si Trump at ang layunin ng MAGA o ang 1% na nakakalusot at nakakaimpluwensya sa pulitika. Mayroon kaming pangmatagalang pananaw para sa mga komunidad ng pangkaraniwang manggagawa na umunlad sa San Francisco ng sama-sama sa mahabang panahon.
Sinusuportahan ni Gee ang kasunduan para sa Upper great Highway at naniniwala na ang mga residente ng Sunset ang dapat magdesisyon. SUsuportahan ni Gee ang paglalagay ng panukala sa balota, at magtataguyod para sa mga residente upang makapasok sila sa trabaho, paaralan, at mga appointment, habang ang mga pamilya mula sa buong San Francisco ay maaaring mag-enjoy sa parke tubing Sabado at Linggo.

Lupon ng Edukasyon ng San Francisco
- Dalawahang pag-eendorso nina Brandee Marckman at Virginia Cheung

CA/California sa Buong Estado:
Connie Chan para sa Kongreso
- Si Supervisor Connie Chan ay isang ina na nagtratrabaho, isang imigrante at matagal nang San Franciscan, na tumatakbo upang gawking mas abot-kaya ang San Francisco. Mula noong 2021, nakikipaglaban si Connie Chan para sa komunidad ng mga uring manggagawa laban sa mga patakaran ni Trump bilang Superbisor ng District 1 sa lupon ng mga Superbisors. Nang putulin ni Trump ang mga programa sa healthcare at seguridad sa pagkain, ibinalik ni Connie Chan ang mga ito bilang Budget Chair, nagbigay muli sa libo-libong San Franciscan ang nakinabang sa mahalagang serbisyong ito.
Sa kanyang posisyon sa Congress, patuloy na ilalagay ni Chan sa unahan ang mga komunidad na siyang bumubuo ng San Francisco, pagpapababa ng presyo ng pamumuhay, pagprotekta sa mga komunidad ng imigrante at kumakatawan sa mga manggagawa at hindi sa mayayaman.
Ang posisyon ng CA-11 Congress ay inokupahan ng mahigit 40 taon, ito ay isang malakas na pagkakataon para sa ating Kintanar sa Kongreso na maging isang tunay kampeon para sa manggagawa na may mga pamilya.lalo na at nahaharap tayo sa krisis dahil inuuna ng rehiming pederal ang paglilipat ng pera para pondohan ang digmaan at genocide, habang ang mga manggagawa ay inaalisan ng karapatan sa mahahalagang programa at serbisyo.

Jane Kim para Insurance Commissioner

Alexandra Pray para sa Superior Court Judge, Upuan 16

Matt Haney para sa Assembly District 17
